HUSTISYA | Paolo Duterte, nilinaw ang tunay na dahilan ng kanyang pagtakbo

Manila, Philippines – Hustisya at hindi paghihiganti ang nais ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte para kay Senador Antonio Trillanes IV.

Tugon ito ni Pulong makaraang sabihin ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na babalikan nito ang senador kaya siya tatakbo sa pagka-kongresista sa 2019 Midterm elections.

Sabi pa ng nakababatang Duterte, mas paglalaanan niya ng panahon ang pagtulong sa mga Davaoeños kaysa kay Trillanes.


Nagpasaring pa si Pulong at sinabing biyaya sa mga Pinoy ang matatapos nang termino ng senador na nag-imbento lang naman aniya ng mga kasinungalingan laban sa kanya at kanilang pamilya.

Facebook Comments