Hustisya para kay Cong. Batocabe, hindi titigilan ng Ako Bicol Partylist

Manila, Philippines – Nangako si Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin na hindi titigil ang partido sa pagkamit ng hustisya para sa pinaslang na si Congressman Rodel Batocabe.

Giit ni Garbin, hindi tatantanan ng Ako Bicol Partylist ang paghahanap ng hustisya para sa kanilang kasamahan.

Titiyakin aniya ng partido na mapapanagot sa batas sina Daraga Mayor Carlwyn Baldo at ang mga kasabwat sa pagpatay sa kongresista.


Aniya, iyon lamang ang tanging paraan para matahimik at mabigyang katarungan ang pagpaslang sa mambabatas.

Samantala, umaasa din si House Majority Leader Rolando Andaya sa mabilis na pagpapataw ng parusa kay Baldo at sa iba pang suspek sa krimen.

Nakakalungkot aniya ang nangyari na kapwa pulitiko ang tumatarget sa mga kalaban sa pulitika.

Facebook Comments