Hustisya para sa pinaslang na OFW sa Jordan, dapat tiyakin ng gobyerno

Nagpahayag ng pakikidalamhati at mariing pagkondena si OFW Party-list representative Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa brutal na pagpatay sa ating kababayang si Mary Grace Santos sa bansang Jordan.

Ayon kay Magsino, kailangan maramdaman ang buong pwersa ng pamahalaan ang pagtiyak na ang hustisya ay agarang makakamtan para sa ating kababayang si Santos na walang kalaban-labang pinaslang.

Diin ni Magsino, ang ating lakas bilang isang bayan at isang lahi ay dapat maramdaman ng mga banyaga sa ating pakikipaglaban para kay Mary Grace upang maparating ang mensahe na hindi uubra sa atin ang paglapastangan sa mga Pilipino.


Bunsod nito ay iginiit ni Magsino sa gobyerno na gumawa ng konkreto, komprehensibo, at pangmatagalang solusyon laban sa paulit-ulit na suliranin kung saan palaging may mga OFWs na nabibiktima ng iba’t ibang uri ng krimen tulad ng pagpaslang.

Facebook Comments