Hustisya para sa SAF 44, hindi pa rin nakakamit

 

Dismayado si dating Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) Director Getulio Napeñas dahil hindi pa rin nakakamit ang hustisya para sa tinaguriang SAF 44, makalipas ang 9 na taon.

Ayon kay Napeñas, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nakakasuhan ang mga taong direktang sangkot sa pagpatay sa SAF 44 na nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.

Matatandaang nasawi matapos ang ikinasang “Oplan Exodus” sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong 2015 ang SAF troopers matapos mapatay ang International terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.


Ang pahayag ay ginawa ni Napeñas sa ika-9 na anibersaryo ng kabayanihan ng tinaguriang SAF 44 at ika-7 National Day of Remembrance para sa kanila sa Philippine National Police Academy, Camp Castaneda, Silang, Cavite ngayong umaga.

Nabatid na si Napeñas ang pinuno ng SAF noong mangyari ang nakakapangilabot na ambush sa SAF 44.

Facebook Comments