Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakamit ang hustisya sa Bulacan massacre na ikinasawi ng limang katao.
Sa pagbisita ng pangulo sa burol ng mga biktima sa San Jose Del Monte, binantaan nito ang mga suspek na madadakip kahit saan pa sila magtago.
Sinabi pa ng pangulo na hindi siya magdadalawang isip na umaksyon kapag droga at kriminalidad na ang pinag-uusapan.
Kasabay nito, muli ring binanatan ng pangulo ang Commission on Human Rights.
Aniya, pwede niyang ipaubaya sa CHR ang pag-hahabol sa nga sangkot sa droga at krimen para sila na nagmagpatigil sa kriminalidad gaya ng nangyari sa Bulacan.
Nagpasalamat naman ang padre de pamilya na si Dexter Carlos na tulong ng pangulo.
Aniya, hirap pa rin siyang makabangon sa nangyari sa kaniyang mag-iina at biyenan.
Alas-9 ngayong umaga, isasagawa ang misa para sa limang biktima ng massacre habang alas 10 nakatakda ang kanilang libing.