HUSTISYA | Sec. Guevarra, nanawagan ng tiwala sa justice system

Ang hatol kay retired Major General Jovito Palparan ay patunay lamang na gaano man katagal ang proseso ng batas, makakamit pa rin ang hustisya.

Reaksiyon ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra kasunod ng desisyon ng Malolos Regional Trial Court sa kaso laban kay Palparan na inabot na ng 12 taon bago nadesisyunan.

May kaugnayan ito sa pagdukot kina UP students na sina Karen Empenyo at Sherlyn Cadapan noong 2006.


Ang Department of Justice (DOJ) ang nagsulong ng kasong kidnapping at illegal detention laban kina Palparan, Lieutenant Colonel Felipe Anotado at Staff Sgt. Edgardo Osoria na pawang nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo.

Facebook Comments