Hustisya, sigaw ng pamilya ng napatay na body guard ng dating gobernador

143

Hustisya ang sigaw ng pamilya ng napatay na isa sa mga body guards ng dating gobernador at dating kongresista na si Amado T. Espino Jr. sa naganap na ambush sa San Carlos City na nagresulta ng pagkakasawi at pagkakasugat ng lahat ng sakay nito.

Si Police Staff Sergeant Richard Esguerra , 36 taong gulang, ang isa sa napuruhan sa naganap na pananambangan na nagtamo ng maraming tama ng baril sa ulo at katawan na dahilan ng pagkamatay nito.


Ayon sa Haligi ng tahanan ng pamilya Esguerra, napakabait ng kanilang anak at dati ng hiningi ang opinion nito sa pagpasok bilang body guard ng dating gobernador.

Ayon sa Ama ni Esguerra suportado niya ang kaniyang anak sa trabaho nito kung kaya’t nagulat na lamang sila ng mangyari ang insidente.

Samantala, tumanggi ng magbigay ng ibang detalye ang pamilya sa naturang insedente dahil umano ay gusto nila ng matahimik at sa ngayon ay damayan ang naiwang asawa at anak ni Esguerra.


Nagpabot na rin umano ng pakikiramay ang pamilya Espino sa kanilang pamilya.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang labi ni Esguerra na maiuwi sa kanilang tahanan.

Facebook Comments

From Advertisers