Hustisya sigaw sa pamamaslang sa dating Sultan sa Barongis Vice Mayor

Naihatid na sa kanyang huling hantungan ang dating Sultan sa Barongis Vice Mayor Datu Roger Lagawan Mamalo na walang awang pinagbabaril habang sakay ng kanyang kotse sa bahagi ng Tacurong City pasado alas otso ng gabi noong July 20.
Isinagawa ito sa kanyang hometown sa SSB na dinaluhan ng kanyang mga kaanak, mga kaibigan at mga supporters.
Kaugnay nito bumuhos ang pakikiramay sa sinapit ni Vice Mayor kasabay ng pagsigaw ng hustisya ng mga inulila nito.
Samantala nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa maaring dahilan at sa mga responsable sa pamamaslang sa opisyal.
CCTO (FB PIC)

Facebook Comments