HUSTISYA | Suspek sa pagpatay sa Pinay OFW na si Joana Demafelis, naaresto na!

Iloilo City – Ikinatuwa ng pamilya ni Joanna Demafelis ang OFW na pinatay ng kaniyang mga employer sa Kuwait at isinilid pa sa freezer ang pagkakahuli sa amo nitong lalaki.

Unang narinig ng pamilya ang pagkakahuli ng interpol sa amo nitong si Nader Essam Assaf na nasa Lebanon.

Kahit na nahuli pa, nangingibabaw pa rin ang galit ng pamilya dahil sa ginawang pagpatay kay Joanna.


Kasalukuyan naman nang nasa kustodiya ng mga otoridad si Assaf habang pinaghahanap pa din ang asawa nitong si Mona Hassoun na sinasabing nagtatago sa Syria.

Una nang tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya Demafelis na ibibigay ang hustisya sa pagkamatay ni Joanna at umaasa silang mahuhuli din ang babaeng suspek.

Facebook Comments