HUSTISYA, TINIYAK | Labi ng Pinay OFW na natagpuan sa freezer sa Kuwait, nakauwi na ng Pilipinas

Manila, Philippines – Dumating na sa bansa ang mga labi ng Pinay OFW na si Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng freezer sa Kuwait.

Pasado alas 10:30 ng umaga nang lumapag ang gulf air na sinasakyan ni Demafelis.

Sinalubong ito ng kaniyang pamilya at mga kinatawan at opisyal ng Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration.


Ayon sa mga kaanak ni Demafelis, hindi nila matanggap ang sinapit ni Joanna na itrinatong parang hayop.

Umapela rin ang mga ito sa pamahalaan na mabigyan ng hustisya ang sinapit ni Joanna.

Umaasa silang mahahanap na ng mga otoridad ang Lebanese at Syrian na amo ni Joanna.

Samantala, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nakikiramay din ang Kuwaiti government sa sinapit ni Demafelis.

Tiniyak din ni Cayetano na nakatutok din ang Kuwait sa imbestigasyon sa kaso nito.

Facebook Comments