‘HUWAG AGAD MANIWALA’ | Malacañang, may apela sa International Criminal Court

Manila, Philippines – Umapela ang palasyo ng Malacañang sa United Nations International Criminal Court na hindi dapat magpagamit sa mga grupo gustong pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Ito ang laman ng mensahe Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa pagdalo nito sa 16th Assembly of State Parties to Rome of the International Criminal Court (ICC) na ginanap sa UN headquarters sa New York City sa US.

Sinabi ni Roque, dapat ay hindi agad iniakyat ng mga grupo sa ICC ang kanilang mga kaso dahil umaandar naman ang hustisya sa bansa at ginagawa naman ng gobyerno ang lahat para resolbahin ang terorismo at illegal drug trade sa bansa.


Binigyang diin ni Roque na papasok lamag ang ICC kung wala nang ginagawa ang gobyerno para maresolba ang mga problema ng bayan.

Tiniyak din naman ni Roque na nananatili silang tapat sa mga patakaran ng ICC para matiyak na nalalabanan ang krimen sa lahat ng member states nito.

Sakali aniyang mayroong mga grupo na lalapit sa ICC sana ay hindi ito agad magpadala dahil ang mga ito ay mga grupong gustong pabagsakin ang administrasyon.

Facebook Comments