HUWAG GALAWIN? | Mga kolurom na bus, namamayagpag na naman sa lungsod ng Maynila

Manila, Philippines – Dismayado ang mga lehitimong bus driver na bumabiyahe sa Manila dahil pinapapasok na naman ang 500 mga kolurom na bus ng Manila City Government.

Hindi napapansin ng mga motorista na isa sa mga dahilan kung bakit sumisikip ang trapiko sa lungsod ng Maynila ay dahil sa pinapayagan na naman ng Manila City Govt.ang 500 mga na bus na una nang tinututulan ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Wala umanong magawa ang mga traffic enforcer ng Manila na paghuhulihin dahil inatasan umano sila ni Dennis Alcoresa Director Manila Traffic and Parking Bureau na huwag galawin ang mga pumapasok na kolurom na bus.


Umaasa lamang sa kanilang porsyento ang mga Law Enforcer ng Manila Traffic And Parking Bureau sa kanilang mga nahuhuli dahil wala umano silang sweldo at kumikita lamang sila bawat Quota ng kanilang nahuhuli.

Facebook Comments