HUWAG IPAGBILI │Collection tubes ng dugo, ipinasosoli – FDA

Manila, Philippines – Dahil sa posibilidad na magkaroon ng maling resulta sa mga blood examinations, binabawi ng isang kompaniya ang kanilang naipamahagi at ipinagbibiling mga blood collection tube.

Sa abiso mula sa Food and Drug Administration ang mga dapat na maisoli sa Metro Drug, Inc., ay ang mga BD Vacutainer K2 EDTA (K2E) at BD Vacutainer K2 EDTA (K2E) 3.6mg, na kapwa ginagamit para sa koleksyon ng mga dugo.

Ang mga naturang collection tube ay gawa ng Becton Dickinson and Company.


Kinumpirma ng naturang kompaniya na may mga nagawang blood collection tube na mababa ang taglay na additive, isang panlaban sa mabilis na paglapot ng dugo.

Bunga nito, maaring magkaroon ng maling resulta sa blood examination, matagal na paggaling ng pasyente dahil sa misdiagnosis o mismanagement ng paggamot, bukod pa sa maaring idulot na seryosong komplikasyon.

Inabisuhan na ang mga distributors, hospital at retailers na huwag nang gamitin o ipagbili ang mag nabanggit na blood collection tube.

Facebook Comments