HUWAG MABAHALA | Magandang relasyon ng China at Pilipinas ngayon, hindi dapat ikabahala ng mga Filipino – Estados Unidos

Manila, Philippines – Hindi dapat na mabahala ang mga Filipino sa magandang ugnayan ngayon ng bansa sa China.

Ito ang pahayag ni United States Spokesperson Molly Koscina sa isang panayam sa Camp Aguinaldo.

Paliwanag ni Koscina hindi mauuwi sa wala ang magandang ugnayan ng Pilipinas at China dahil katulad ng US na may maganda ring ugnayan sa China ito aniya ay nagreresulta sa magandang kalakalan na nakakatulong sa pag angat ng ekonomiya.


Giit ni Koscina importante ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa bawat bansa lalot sa ngayon aniya ay isinusulong ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Independent Foreign Policy na para sa pangulo ay makakatulong sa maayos na pagresolba ng mga isyung mga kinalaman sa pinagaagawang isla, at mas mapo protektahan ang interes ng bansa.

Kaugnay nito sinabi ni Koscina na sa ngayon nanatili ang magandang ugnayan ng Estados Unidos at Pilipinas patunay aniya dito ang pagsasagawa ng 268 na aktibidad sa bansa sa pagitan ng US at Pilipinas kabilang na ang mga military training tulad ng Balikatan exercise batay na rin sa pagpupulong ng Mutual Defense Board Security Engagement Board.

Facebook Comments