HUWAG MAG-PANIC! | Pag-angat ng inflation, walang dapat ikabahala – Malacañang

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na walang dapat ipangamba ang publiko kasunod ng pagpalo sa 5.2 percent na inflation rate sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagaman at totoo na mas mataas ang presyo ng mga bilihin, hindi naman aniya ito sapat na rason para mag-panic ang publiko.

Aniya, may umiikot na pera galing sa buwis at economic activity kaya nagtutulak ito ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Paliwanag pa ni Roque, na nasa historical amounts dahil sa ikinasang Build Build Build Program ng pamahalaan na naglalayong pagandahin ang mga imprastraktura sa bansa.

Facebook Comments