Manila, Philippines – Pansamantalang mawawalan ng supply ng NFA rice ang bansa sa pagsapit ng Abril at Mayo.
Paliwanag ni NFA Administrator Jason Aquino sa buwan pa ng Hunyo darating ang inangkat na 250,000 metric tons ng bigas.
Pero tiniyak ng NFA na patuloy pa ring ibebenta sa merkado ang kanilang 27 pesos na kada kilong Regular-Milled Rice at ang 32 pesos kada kilong well milled rice.
Sinabi naman ni Agriculture Sec. Manny Piñol, hindi dapat mag-panic ang publiko ukol dito dahil sapat pa naman suplay ng bigas sa ngayon at nagkaroon lamang ng kalituhan sa hindi pagkakatugma ng pahayag ng mga opisyal ng DA at NFA.
Facebook Comments