Manila, Philippines – Nanawagan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga empleyado ng Hudikatura na huwag magpaapekto sa harap ng impeachment proceedings laban sa kanya.
Sa kanyang talumpati sa 14th Metrobank Foundation Professorial Lecture on “Judicial Accountability and Disciplinary Action Now and Beyond” na ginanap sa Korte Suprema, pinayuhan ni Sereno ang court officials at mga empleyado na tumutok lamang sa kanilang trabaho sa gitna ng impeachment case na kinakaharap niya.
Tiniyak din ni Sereno na pananatalihin niya ang dignidad at ang pagiging independent ng Hudikatura.
Aniya, batid niya rin na hindi niya personal na laban ang impeachment complaint na inihain sa kanya ni Atty. Larry Gadon.
Nanindigan din ang Punong Mahistrado na hindi siya magre-resign sa kanyang pwesto dahil wala naman daw siyang ginawang mali.