Pinayuhan ng Malacañang ang publiko na iwasang magsalita o dumaldal habang kumakain sa mga restaurant para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ang panawagan ng Palasyo matapos makitaan ng pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang bahagi ng bansa ngayong holiday season.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat tahimik lamang ang mga kumakain at ireserba ang kwentuhan o usapan bago at pagkatapos nito habang nakasuot ang kanilang face masks at face shields.
Mahalagang sundin pa rin ng publiko ang minimum health standards gaya ng physical distancing.
Manatili pa rin dapat mag-ingat ang publiko habang hinihintay ang COVID-19 vaccine sa bansa na inaasahang darating sa susunod na taon.
Facebook Comments