HUWAG MANGAMBA | Mga rice farmer, pinakaunang makikinabang kapag naisabatas ang rice tariffication bill

Manila, Philippines – Pinawi ng Department of Finance (DOF) ang pangamba ng mga magsasaka kaugnay ng isinusulong na rice tariffication bill.

Ayon kay Finance Usec. Karl Kendrick Chua – mga rice farmer pa rin naman ang unang makikinabang sa probisyong nakapaloob sa parehong bersyon ng kamara at Senado.

Sa ilalim kasi ng panukala, ilalaan para sa mga magsasaka ang halos lahat ng kita mula sa taripa, bukod pa ang dagdag na lima hanggang sampung bilyong pisong seed fund at murang benta ng bigas para sa mga magsasakang bibili sa merkado.


Tiwala naman si Chua na ipa-prayoridad ng Senado ang pagdinig sa nasabing panukalang batas.

Kasabay nito, nilinaw ng opisyal na walang kinalaman ang rice tariffication sa mga panawagang i-abolish ang National Food Authority.

Facebook Comments