Manila, Philippines – Iginiit ng pamunuan ng Phil. National Police na pinoprotektahan nila right of life ng bawat Pilipino.
Kasunod ito ng inilabas na resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station nitong June 2 hanggang 26, 2017 na sinasabing 73 porsyento sa mga pinoy ay sinasabing natatakot na posibleng maging biktima ng Extra Judicila Killings.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos kailanganng alisin ang 73 porsyento ng mga Pilipino ang takot na maging biktima ng EJK.
Giit ni Carloss mula nang pumasok ang Duterte administration o mula July 1 2016 hanggang Sept. 30 2017, isa pa lamang ang kumpirmadong biktima ng EJK.
Aniya ang posibilidad na maging biktima ng EJK ay malabo, lalot kung magbabatay ang mga Pilipino sa totoong impormasyon at hindi sa mga persepsyon.
Sa ngayon aniya patuloy ang ikinakasang anti criminality campaign ng PNP upang mabawasan pa ang krimen sa buong bansa.