Maging kalmado at mahinahon!
Ito ang payo ni Cotabato City Administrator Dr. Danda Juanday sa mamamayan ng lungsod kaugnay ng mga kumakalat na impormasyon tungkol sa novel coronavirus (nCoV) .
Hindi aniya nakakatulong ang pagpapakalat ng maling impormasyon bagkus ay nakakalala pa sa sitwasyon kaya huwag agad-agad maniniwala sa mga nababasa sa social media giit pa ni Admin Juanday sa panayam ng DXMY.
Paliwanag pa ni Dr. Juanday, ang face mask ay hindi naman talaga ang paraan upang maka-iwas sa nCoV, ang pinakamabisang paraan pa rin upang makaiwas sa naturang sakit ay ang kalinisan sa katawan at sa kapaligiran.
Ito ang naging pahayag ni Juanday matapos mapabalitang nagkaroon ng panic buying na nagresulta sa pagkaubos ng Face Mask sa syudad .
Sinabi pa ni Dr. Juanday na ipinag-utos na rin ng City Government sa City Health Office na gumawa ng mga paraan upang hindi magpanic ang Cotabatenos.
Hindi problema ang nCoV sa Cotabato city kundi ang pag-panic ng mga tao. Hindi rin aniya nabubuhay ang virus sa mainit na panahon katulad ng panahon na nararanasan sa Cotabato City.
Sa kabila nito patuloy ang pagpapaalala ng City Government na ugaliin ang pagiging malinis at panatilihin ang magandang kalusugan.