HUWAG NANG UMASA | Vice President Leni Robredo, pinayuhan ng Malacañang

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Malacañang si Vice President Leni Robredo na huwag nang umasang magkakaroon pa muli ng posisyon sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naniniwala siyang hindi na muling mangyayari ang pagbibigay ng posisyon kay Robredo kung saan nagsilbi siya bilang Chairperson ng Housing And Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Dagdag ni Roque, hindi na nagugustuhan ni Pangulong Duterte ang patuloy na pagbatikos ni Robredo sa gobyerno sa halip na makiisa ito sa administrasyon.


Una nang sinabi ni Roque na wala siyang nakikitang bakanteng posisyong pwedeng ibigay ng Pangulo kay Robredo kahit pa nagpahayag ito na handa siyang muling tumanggap ng pwesto sa Gabinete. <#m_-4755555986978588430_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments