Manila, Philippines – Hindi dapat saktan o bantaan ng Presidential Security Group ang reporter ng Rappler na si Pia Rañada.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos ang naging pahayag ni PSG Commander Brigadier General Lope Dagoy sa isang interview na “magpasalamat pa si Rañada at hindi siya sinaktan sa ginawa niya sa PSG”.
Ang tinutukoy ng opisyal ay ang umano’y paulit-ulit na pagtatanong ng reporter sa PSG Sentry sa New Executive Building ng dahilan kung bakit siya hindi maaring makapasok sa Malacanang, habang kinukunan ng video ang buong eksena kahapon.
Ayon sa PSG Commander, hindi dapat ginawa ng Rappler Reporter ang “pambabastos” sa kanyang sundalo dahil sumusunod lang ito sa utos, at mabuti hindi siya sinaktan.
Pero ayon naman kay Lorenzana, kahit ginawa ito ng reporter sa sundalo ay “uncalled for and really off the mark” o hindi pa rin tama ang pahayag ang PSG Chief.