‘HUWAG PRANING’ | Kongresista, may apela sa publiko hinggil sa Martial Law extension

Manila, Philippines – Nakiusap si PBA PL Rep. Jericho Nograles sa publiko na huwag ma-praning o ma-paranoid sa martial law extension sa Mindanao.

Sinabi ni Nograles na walang dahilan para matakot ang mga tao sa pagpapalawig ng military rule na may layuning tugisin at wakasan ang terorismo sa rehiyon.

Iginiit pa ni Nograles na napatunayan naman ang pag-iral ng good faith ng pamahalaan at mga sundalo sa limang buwan na unang pinalawig ang batas militar.


Patunay aniya diyan na walang ulat na pagmamalabis sa hanay ng militar at pulis na sumentro lamang ang kanilang kapangyarihan sa pakikipaglaban sa Maute terror group.

Wala ding nai-report na pang-aabuso o kahit naikulong na media dahil sa pagre-report ng sitwasyon sa Marawi.

Dagdag pa ni Nograles na bilang isang Mindanaoan, batid niya ang peace and order situation sa rehiyon na nangangailangan ng extraordinary measures.

Facebook Comments