Manila, Philippines – Ngayong ginugunita ang National Teachers Day hinamon ng Department of Education ang mga guro na ipagpatuloy ang kanilang misyon na maibahagi ang kanilang kaalaman sa kani-kanilang mga estudyante.
Ayon kay DepEd Asec. Tonisito Umali mahalaga ang papel ng mga guro sa paghubog ng ating pagkatao.
Sinabi pa ni Umali na nakasalalay sa mga guro kung anong uri ng mga mag-aaral ang magiging mamamayan ng ating bansa sa susunod na henerasyon.
Kasunod nito pinaalalahan ng opisyal ang mga guro na huwag sumuko sa anumang problema o hadlang sa kanilang pagtuturo, inihalintulad nito ang sitwasyon ng mga guro sa kanayunan at malalayong probinsya na kinakailangan pang tumatawid ng bundok at ilog para lamang maturuan ang mg bata.
Umaapela din ang DepEd sa mga mag-aaral na iparamdam ngayong espesyal na araw na ito sa mga guro ang ating pagmamahal sa itinuturing nating pangalawang magulang.