HVT sa Iligal na Droga, Timbog sa buy-bust operation

Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang isang High Value Target sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Cloyd Magaru, 35-anyos, walang asawa at residente ng of Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Nakumpiska sa suspek ang isang (1) pakete ng naglalaman ng hinihinalang shabu at buy-bust money.


Nasa pangangalaga na ngayon ng PNP Ilagan City ang suspek.

Facebook Comments