HYBRID AT CERTIFIED RICE TECHNOLOGY DEMONSTRATION, ISINAGAWA SA SAN FERNANDO CITY

Nagsagawa ng technology demonstration ang City Agriculture ng San Fernando city, La Union upang masuri ang pagka-produktibo ng hybrid at certified seeds na itinatanim ng mga magsasaka.
Layunin ng aktibidad na makita ang ilang inobasyon na maaaring magamit ng mga magsasaka at malaman kung anong mga variety ng quality seeds ang mataas ang ani.
Ilan sa mga variety na sinuri ang NSIC Rc490H (Dinorado) at NSIC Rc540H (SL-20H) na hybrid seeds at NSIC Rc222 at NSIC Rc480 (Green Super Rice) na certified seeds.

Mula sa inisyal na datos na kanilang nakalap, nagkaroon din sila ng crop cut o sampling kung saan nakita nila kung anong variety ang may pinakamaraming naani sa barangay na pinagdausan. Napag-alaman din nila na NSIC Rc490H ang isa sa variety ng hybrid seeds na may pinakamataas na Return of Investment sa lahat ng variety na sinuri base sa kanilang cost and return analysis.
Ayon sa naitalang datos, maaaring mas mataas ang gastusin sa pagtatanim ng hybrid rice ngunit mas mataas naman itong umani at mas mataas din ang kabuuang kita kumpara sa sertipikadong binhi.
Iikutin ang mga barangay sa lungsod upang makapagsagawa ng techno-demo nang mapalago ang agrikultura dito. |ifmnews
Facebook Comments