Hybrid election, pinaaapruba na sa Kongreso

Pinaaprubahan na ngayong buwan ang panukala na magtatakda ng manual at automated elections kung nais itong maipatupad sa darating na 2022 elections.

Sa ginawang pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms tungkol sa hybrid election, bagama’t ipinauubaya ng Commission on Elections (COMELEC) sa Kongreso ang pagdedesisyon sa panukala, ipinakukunsidera naman ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo ang agad na pag-apruba para sa pagsasagawa ng manual at automated election.

Ayon pa sa opisyal, nasa second phase na kasi sila ng procurement process bilang paghahanda sa automated election system.


Depensa ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento sa pagsusulong ng hybrid elections, kwestyonable na kasi ang integridad ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines.

Mainam aniyang gawing manual ang botohan at bilangan sa mga presinto at gawing automated naman ang transmission at canvassing sa national, local, at Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao o BARMM elections.

Facebook Comments