Hybrid elections, malabo nang gawin – Comelec official

Naniniwala ang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na wala ng oras para gawin ang hybrid election system para sa May 2022 elections.

Ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, maaaring gawin ito sa mga susunod pang halalan pero hindi sa 2022 polls dahil kapos na sa oras.

Dagdag pa ni Guanzon, kapag isinagawa ang hybrid, ang pabibilang ay magiging manu-mano, habang ang transmission ay electronic.


Inihalimbawa pa ni Guanzon na aabutin ng buwan ang pabibilang ng boto para sa Pangulo kung manual ang gagawin.

Mahalaga rin aniyang maprotektahan ang mga guro at poll officers.

Nabatid na ang mga lumang vote counting machines mula sa Smartmatic pa rin ang gagamitin para sa May 2022 elections.

Facebook Comments