Malabo ang isinusulong ng ilang grupo na gawing hybrid ang halalan sa susunod na taon.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bukod sa para lamang sa pure automation ang budget na inilaan sa poll body ay aabutin ng siyam-siyam kung hahaluan ito ng manual elections.
Sabi ni Garcia, baka sa loob ng tatlong araw ay hindi pa tapos ang manual counting kung pahihintulutan ang hybrid na halalan.
Kanina, nagsagawa ng kilos protesta ang grupong kontra daya sa harap ng tanggapan ng Comelec upang ipanawagan na ibasurq ang kontra ng ahensiya sa Miru Systems na napiling election provider sa 2025.
Muli namang itinanggi ni Garcia na may anomalya sa kontrata at pinabulaanan ang tahasan umanong paninira sa integridad ng poll body at mismong halalan.
Facebook Comments