Hybrid hearings at meetings sa Senado, ititigil na simula sa Lunes

Simula sa Lunes ay balik na sa normal ang pagsasagawa ng mga pagdinig sa Senado.

Ito ang inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri bago matapos ang sesyon kagabi.

Ititigil na kasi ang pagsasagawa ng hybrid hearing at meeting sa Mataas na Kapulungan kung saan “physically present” na dapat ang mga haharap sa Senado.


Ayon kay Zubiri, ang kanilang desisyon na itigil na ang pagsasagawa ng hybrid public hearing at meeting ay alinsunod sa Presidential Proclamation 297 na nagtatanggal na sa pinairal na public health emergency sa bansa dahil sa COVID-19.

Matatandaang ipinatupad ang hybrid hearing at meeting noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan pinayagang lumahok via online ang mga mambabatas at mga resource persons.

Facebook Comments