Sinisilip ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibilidad ng pagsasagawa ng “hybrid” presidential debate sa May 2022 elections.
Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, tiyak na magkakaroon ng presidential debate pero ang tanong na lamang aniya ay kung gagawin itong face-to-face o virtual.
Pero tingin ni Casquejo na mas mainam kung hybrid kung saan pwedeng magharap ang mga kandidato sas virtual audience.
Ang isa pang opsyon ay dumalo ang mga kandidato virtually o physically habang ang mga audience ay pwedeng manood physically pero sa limitadong bilang lamang.
Nakatakdang talakayin ng COMELEC ang isyung ito sa kanilang conference sa susunod na linggo.
Matatandaang isinagawa noong 2016 ang #PiliPinasDebates kung saan katuwang ng poll body ang ilang media partners.