Hybrid work mode, dapat pag-aralan sa isang nagbabagong panahon dahil sa COVID-19 pandemic ayon sa CSC

Dapat nang ikunsidera ang pagkakaroon ng hybrid work mode sa harap ng mga shifts sa isang nagbabagong panahon dulot ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles na dahil sa global pandemic, lumikha ito ng malaking pagbabago sa kung paano ang trabaho o umangkop ang mga work organizations.

Ayon kay Nograles, sa halip na tingnan ang sitwasyon sa negatibo ay dapat umangkop dito ang mga human resource management sa pribado at sa public service dahil ito ang nasa sentro ng transition.


Sa ngayon, prayoridad ni Nograles ang pagpapatupad ng ilang pagbabago sa CSC sa kung paanong alagaan ang human capital sa public sector.

Facebook Comments