Hydropower plant sa bansa, hindi pa rin nakakarekober dahil sa patuloy na pagbaba ng suplay ng tubig sa kabila ng El Niño phenomenon – DOE

Hindi pa rin nakakarekober ang ilang hydropower plant ng bansa dahil pa rin sa patuloy na pagbaba ng suplay ng tubig dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Ayon sa Department of Energy (DOE), malaki talaga ang epekto ng pagtaas ng temperatura o heat index sa mga operasyon ng planta sa bansa.

Una nang sinabi ni DOE Undersecretary Rowena Guevarra na nasa siyam na planta ng kuryente sa Luzon grid ang nakararanas ng strained power supply sa Island Region sanhi ng dati nang plant outages.


Kasunod nito, kumikilos na umano ang Task Force on Energy Resiliency upang maibalik ang suplay sa mga apektadong lugar.

Kung maalaala, 12 planta na rin ang nag-shutdown bago pa man pumasok si Bagyong Aghon.

Pinayuhan naman ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente at tubig at samantalahin muna ang malamig na panahon dagul sa pag-ulan.

Facebook Comments