I-AANUNSIYO | Kumpletong line ng LP, ihahayag sa Oktubre 9

163

Manila, Philippines – Nakatakdang ianunsyo ng Liberal Party sa darating na Oktubre 9 ang kumpletong listahan ng kanilang Senatorial Bets para sa 2019 Elections.

Ayon kay LP President Sen. Kiko Pangilinan, posibleng hindi isang full slate ang ipresenta ng Partido.

Paliwanag ni Pangilinan, nais nilang masinop ang limitadong resources ng partido at mailaan ito sa aniya’y mga karapatdapat na ‘quality candidates’ lamang.

Sa ngayon aniya ay tatlong pangalan pa lamang ang tiyak na pasok sa naturang line up na kinabibilangan nina Sen. Bam Aquino, Deputy Speaker Erin Tanada at Law Dean Jose Manuel Diokno.

Magugunitang kinukonsidera din ng LP para sa kanilang line up sina Magdalo party-list Representative Gary Alejano, former Solicitor General Florin Hilbay, election lawyer Romulo Macalintal, former Senator Mar Roxas, former Bangsamoro Transition Commission member Samira Gutoc-Tomawis, at former Akbayan party-list Representative Barry Gutierrez.

Facebook Comments