I-ACT patuloy ang pagsagawa mg operasyon laban sa mga sasakayang lumalabag sa COVID-19 health protocols

Tuloy-tuloy pa rin amg operasyon ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT laban sa mga sasakayan na bumibiyahe ngayong Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Ngayong araw umikot ang I-ACT sa ilang kalsada ng Malolos at Guiguinto, Bulacan at sa kahabaan ng EDSA Carousel.

Ayon sa pumunuan ng I-ACT layunin nito na matiyak na nasusunod ang mga health at safety protocols laban sa COVID-19 ng mga pambuliko at pribadong sasakayan.


Iniinspeksyon ng mga tauhan mg I-ACT ang bawat sasakayan upang siguro 50% maximum seating capacity at social distancing.

Sinabi rin ng nasabing grupo na magtutuloy-tuloy ang kanilang operasyon sa kalsada, bus stops at terminals sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ tulad ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan hanggang April 4, Easter Sunday.

Facebook Comments