i Hitstory: Billie Jean by Michael Jackson

Ito ang ilan sa mga fun facts tungkol sa kantang Billie Jean :
– Ayon sa manunulat at mang-aawit ng kantang ito mismo na si Michael Jackson, naisip niya ang konsepto ng awiting ito habang pinaaandar niya ang kanyang Rolls- Royce sa daan. Libang na libang siya sa kakaisip sa awiting ito ay hindi napansin na nagliliyab na pala ang kanyang sasakyan.
– Inawit ni Michael Jackson ang kantang ito gamit ang isang anim na talampakang cardboard tube.
– Pinerform ni Jackson ang kanyang unang moonwalk nang awiting niya ang awiting ito sa TV show na Motown 25 : Yesterday, Today, Forever.
– Isang take lang inabot ang pagrecord ng awiting ito.
FB: www.facebook.com/93.9ifmmanila/
Twitter: https://twitter.com/ifmmanila
Instagram: instagram.com/ifmmanila

Facebook Comments