i Hitstory: Finesse by Bruno Mars ft. Cardi B

Ito ang ilan sa mga fun facts tungkol sa kantang Finesse:
-Ang kantang ito ay isinulat mismo ni Peter Gene Hernandez na mas kilala bilang si Bruno Mars. Si Mars ay isang Amerikanong mang-aawit na may dugong Pilipino dahil sa kanyang ina na si Bernadette San Pedro Bayot na isang Pilipina.
-Ni-release ang kantang ito bilang ikatlong kanta sa album ni Mars na *24K Magic, *na ginamit rin bilang opening song ng kanyang *24K Magic World Tour* .
-Mas lalong nakilala ang awiting ito pagkatapos mai-release ang remix version nito kasama ang Amerikanang rapper na si Belcalis Almanzar, na mas kilala bilang si Cardi B.
-Umabot na sa hanggang 293M views ang music video ng kantang ito sa Youtube at kasalukuyang hawak ang ikatlong pwesto sa Billboard Hot 100.
-Nanguguna naman sa Bulls I Weekly Top Ten ng iFM 93.9 ang kantang ito.
Follow us: FB: www.facebook.com/93.9ifmmanila/
Twitter: https://twitter.com/ifmmanila
Instagram: instagram.com/ifmmanila

Facebook Comments