‘I-HULI KA!’ PROMO NG IFM DAGUPAN, UMARANGKADA SA MGA KABAHAYAN SA DAGUPAN CITY

Hindi nagpaawat ang pwersa ng IFM Dagupan nitong biyernes, July 4, sa kanilang masiglang pagsagawa ng bahay-bahay na kampanya para sa promo na “I-Huli Ka!”, tampok ang mga produktong Starwax Floorwax at Unique Toothpaste.

Bitbit ang saya at papremyo, kinatok ng IFM Dagupan ang mga kabahayan upang sorpresahin ang mga solid listener ng iFM Dagupan at mga loyal users ng Starwax floorwax at Unique toothpaste.

Layunin ng kampanya na mas kilalanin at pasalamatan ang mga tumatangkilik sa nasabing mga produkto.

Sampung masuwerteng tagapakinig ang nabigyan ng mga espesyal na regalo gaya ng Starwax floor wax, Unique toothpaste, bigas, grocery at cash.

Bahagi rin ito ng patuloy na community engagement ng IFM Dagupan upang mas mapalapit sa kanilang audience ang ating serbisyo publiko.

Ang “I-Huli Ka!” promo ay bahagi ng kampanya na sinusuportahan ng iFM Dagupan, Starwax —Floorwax kintab ay toda max, Unique toothpaste —Goodbye tooth decay, Unique toothpaste every day, Acs Manufacturing Corporation at ng idol mong FM —104.7 iFM Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments