I-MONITOR ANG GALAW | MPD, naka-alerto na sa malawakang kilos protesta ng grupong Piston

Manila, Philippines – Inalerto ng pamunuan ng Manila Police District ang tauhan nito kaugnay ng bantang malawakang kilos protesta ngayong araw ng grupong Piston kontra sa jeepney phase out.

Ayon kay MPD Spokesman P/Supt Erwin Margarejo, na nagtalaga sila ng Mobile Unit at ng Motorcycle Unit upang i monitor ang galaw ng grupong Piston na magmumula sa Mabuhay Rotonda ng alas dose ng tanghali , patungo sa makasaysayang Mendiola Bridge kayat posible ang lalu pang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Espana Blvd. mula Mabuhay Rotonda.

Tinuran naman ni Piston President George San Mateo, ang martsa ngayong araw ay upang singilin, si pangulong Duterte sa tinagurian nilang atake at pangwawasak sa kabuhayan ng milyong milyong mga tsuper at operator ng pampasaherong jeepney dulot ng jeepney phase out.


Panawagan ng Piston ang tuluyang pagbasura ng Jeepney phase out ibasura ang Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok.

Facebook Comments