I-PEDERALISMO | PCOO, iginiit na wala silang kapangyarihang sibakin si Asec. Uson

Manila, Philippines – Iginiit ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na wala silang kapangyarihan na sibakin ang Assistant Secretary Mocha Uson.

Kasunod ito ng ‘i-pederalismo’ dance video na inilabas ni Uson na umani ng batikos sa social media.

Ayon kay PCOO Undersecretary Lorraine Badoy, presidential appointee si Uson kaya hindi nila magagawang alisin ito sa pwesto.


Aminado si Badoy na mahirap depensahan ang video ni Uson, pero bilang indibidwal ay may karapatan ang mga opisyal sa freedom of expression.

Dahil dito, maglalabas ng paalala ang PCOO sa mga kawani nito kung saan isasama ang code of conduct and ethical standards sa gobyerno gayundin ang mga pagsunod sa mga batas tungkol sa gender discrimination.

Facebook Comments