I-PRESERVE | Marawi, gawin na lamang memorial – Architect Jun Palafox

Manila, Philippines – Iminungkahi ng kilalang urban planner na si Architect Jun Palafox na i-preserve ang pinsalang iniwan ng bakbakan sa Marawi City at gawin na lang itong memorial.

Ayon kay Palafox, hindi na dapat i-rebuild ang lungsod at sa halip ay gawin na lamang itong memorial para sa mga nasawi sa bakbakan.

Dagdag pa ni Palafox na sa halip na itayong muli ang bahaging ito ng lungsod, gumawa na lamang ng makabagong mga lungsod sa Marawi at Lake Lanao na mas mapapangalagaan at environment friendly.


Ibinahagi niya ang kanyang ideya sa mga itatayong kalsada kung saan one-third nito ay ilalaan sa mga puno at landscaping, one-third para sa pedestrian at bisikleta, at one-third para sa mga sasakyan.

Facebook Comments