I-REGISTRO NG F1KD SA 4Ps NG DSWD INILUNSAD SA BOLINAO

Inilunsad ang “i-Registro ang F1KD sa 4Ps” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – National Household Targeting Office katuwang ang DSWD Field Office 1 – National Household Targeting Section at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Barangay Lucero at Barangay Binabalian, Bolinao Pangasinan.

Sa naturang aktibidad, hinikayat ang mga benepisyaryo ng 4Ps na buntis at may anak na 0-2 taong gulang na i-update ang kanilang impormasyon sa online portal na iregistro-4ps.dswd.gov.ph.

Layunin ng hakbang na ito na tiyakin ang wastong datos para sa implementasyon ng First 1,000 Days (F1KD) conditional cash grant na nakatakdang simulan sa susunod na taon.

Ayon sa DSWD, ang mga impormasyon at dokumentong naisumite online ay magiging batayan para sa epektibong pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo.

Ang F1KD conditional cash grant ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na suportahan ang nutrisyon at kalusugan ng mga buntis at mga batang nasa kritikal na yugto ng kanilang unang 1,000 araw ng buhay.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments