Manila, Philippines – Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na tulungan sila na matunton ang mga trolls at fake accounts na nambu-bully online.
Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – may mga kasong pwedeng kaharapin ang mga gumagawa ng online bullying na nakakaapekto sa moral ng isang tao.
Hinihikayat ni Albayalde ang mga netizens na huwag agad maniwala sa mga aniya’y ‘too good to be true’ na mga accounts na maaring manloloko at kumukuha lang ng personal na impormasyon.
Facebook Comments