Manila, Philippines – Panibagong tatlong-daang libong mga manggagawa ang target na ma-regular sa trabaho ng Department of Labor and Employement.
Kasunod ito ng pagkaka-regular ng 312,000 mga empleyado mula sa mga pribadong sektor ngayong 2018.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na milyun-milyong mga manggagawa sa buong bansa ang dapat na maregular kabilang na ang mga nagtatrabaho sa maliliit na negosyo.
Aniya, ginagawan ng paraan ng ahensya na maging regular ang lahat ng mga empleyado.
Mula November 2016 — nasa 405,000 mga manggagawa na ang na-regular sa kanilang mga trabaho mula nang ipatupad ang Department Order.
Nakatulong anila ang inilabas na listahan ng nasa 3,377 na kumpanyang nagsasagawa ng labor-only contracting.
Nasa 52,000 establishment na rin ang na-inspeksyon ng DOLE habang may 3,000 pa ang pupuntahan nila bago matapos ang Nobyembre.