I-REREVIEW | DICT, pag-aaralan muna ang surveillance system na ikakabit ng China

Manila, Philippines – Nais ng Department of Information Communications Technology (DICT) na i-review ang surveillance system na ikakabit ng China sa bansa.

Ayon kay DICT Oic Eliseo Rio – nais nilang matiyak na ang mga impormasyon makukuha sa surveillance system ay hindi lumalabag sa privacy ng mga Pilipino.

Aniya, tanging ang Department of Interior and Local Government (DILG) lang ang nakipagkasundo sa Huawei ng China para sa pagkakabit ng mga CCTV sa iba’t ibang panig ng bansa.


Bagama’t seguridad ang pinakalayunin ng proyekto, gusto pa rin daw makasiguro ng DICT na hindi nito masasagasaan ang privacy ng mamamayan.

Ang P20-billion project na ito ay isa sa mga kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at China nang bumisita sa bansa si Chinese President Xi Jin Ping.

Facebook Comments