I-RISE BENEFICIARIES AT ALLOWANCE NG MGA BRO-ED SCHOLARS, IPINAMAHAGI NG PGI

Cauayan City – Namahagi ng pinansyal na tulong ang Provincial Government of Isabela, sa pangunguna ni Gov. Rodito Albano at Vice Governor Kiko Dy sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa lalawigan.

Ayon sa ulat, umabot sa ₱32.8 milyon ang naipamahaging allowance para sa 9,750 BRO for Education scholars sa mga bayan ng Benito Soliven, San Mariano, Jones, San Agustin, Gamu, at Reina Mercedes, pati na rin sa mga lungsod ng Cauayan at Ilagan.

Bukod dito, naglaan din ang Pamahalaang Panlalawigan ng ₱22.7 milyon sa pamamagitan ng Isabela Recovery Initiatives to Support Enterprises (I-RISE) program upang tulungan ang 6,922 ambulant vendors, maliliit na negosyo, at freelance workers mula sa Cabagan, San Pablo, Tumauini, Alicia, San Agustin, at sa mga lungsod ng Ilagan at Cauayan.

Ani Gobernador Albano, layunin ng programa na hindi lamang matulungan ang mga estudyante at manggagawa kundi maipadama rin ang malasakit ng pamahalaan ngayong kapaskuhan.

Source and Photo Courtesy: Isabela Pio

Facebook Comments