IACAT, nagsasagawa ng imbestigasyon sa pagtaas ng kaso ng child exploitation ngayong pandemya

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na aaksyunan ng Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT ang ulat ukol sa pagtaas ng bilang ng insidente ng child pornography at exploitation sa bansa.

Ito ay kasunod ng inilabas na report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nagsasabing umabot sa mahigit ₱113 million ang child porn transactions sa bansa sa unang anim na buwan pa lang ng 2019.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hihilingin niya sa AMLC na mabigyan ang DOJ ng kopya ng report nito.


Ipaaabot naman aniya ang nasabing isyu sa IACAT para sa kaukulang aksyon.

Batid aniya ng IACAT ang mga lugar kung saan marami ang biktima na kadalasan ay poverty-stricken areas at kung saang bansa naman nakabase ang mga suspek.

Facebook Comments