Ian de Leon, sinagot na ang ‘bitter truth’ sa pagitan nila ng inang si Nora Aunor

Sinagot na ni Ian de Leon ang dahilan kung bakit hindi siya umattend sa kaniyang birthday party na inorganisa ng kaniyang inang si superstar Nora Aunor.

Kwento ni Ian, naging masaya siya noong tumawag ang inang si Nora para sabihin na magpaplano at magkikita sila sa kanyang birthday.

Pero nagbago raw ang ihip ng hangin nang sumunod na araw ay nag-text ito sa kanya at sinabing may gusto itong imbitahan na ibang tao.


Dito na umalma ang aktor at iginiit na kalimutan na muna niyang siya si Nora Aunor at hiniling ang quality time ng ina para makasama ng kaniyang mga apo.

Tiniyak naman ni Ian na bukas pa rin ang kaniyang pinto para sa ina.

Facebook Comments