IATF, aminadong mas madali ang pamamahagi ng financial assistance kung may National ID

Aminado ang Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na mas mapapadali sana ang pamamahagi ng cash assistance ng pamahalaan kung mayruon na o nagagamit na ang National ID System.

Ayon kay IATF at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, kapansin pansin kasi ngayon ang pagkakaroon ng delay sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa low income families dahil sa ilang discrepancies sa listahan ng mga benepisyaryo.

Pero kung mayruon na aniyang National ID ay mas mapapadali ang distribusyon dahil hindi na kailangan pa ng validation at hindi na kailangan pa mag fill up ng social amelioration card na ilang proseso kung bakit natatagalan ang paggawad ng tulong pinansyal.


Matatandaang Aug 2018 pa nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Identification System (PhilSys Act), o Republic Act No. 11055 pero hindi agad naimplement dahil sa ilang pagtutol kabilang na dito ang paglabag sa privacy at maaari umanong magamit ang national id sa discrimination, state oppression, at surveillance.

Facebook Comments